Episode 14: Koi Grey on the evolution of being
(Entire episode is in Filipino)
Mga anim na taon ko nang kakilala si Koi isa sya sa mga batikan sa larangan ng trail running at hiking and trekking sa Pilipinas. Dito sa episode 14 ng Wildcast nag kwentuhan kami tungkol sa buhay nya bilang isang mamumundok. Pinag-usapan namin dito ang hirap na dinanas nya sa buhay nung kanyang kabataan at kung paano namulat ang kanyang pag-iisip sa kalikasan.
Nung kabataan ni Koi naging taga tulak sya ng tricycle, nagtrabaho sya bilang balloon artist, naging aktibista, namundok, nakipanirahan sa mga katutubo, at bawat karanasan na ito ay naging parte ng pagkatao nya ngayon. Marami nang versyon ng Koi Grey ang dumaan sa mundong ito at sabi ko nga sa kanya na yung una kong nakilala ko noon ay iba na sa Koi Grey ngayon. Naikwento nya sa akin ang prosesong dinaanan nya para marating ang kanyang bagong pagtingin sa buhay nya . Kontento sya sa katayuan nya ngayonat pati narin sa pagkarera sa bundok -itong bago nyang pagtanaw sa buhay ay nagdulot ng isa sa pinakamagandang taon nya bilang isa sa mga batikang trail runner sa Asya at isa sa pinaka kalmado at kontentong panahon sa buhay nya.
Ito si Koi Grey 2020.
Mahahanap nyo si Koi Grey sa mga sumusunod na plataporma:
Instagram:@koigrey https://www.instagram.com/koigrey/
Facebook: https://www.facebook.com/mountainman.ph/
Facebook: https://www.facebook.com/Expeditionsupport
Contact number: 09568021684
----
We are working towards making the Wildcast more sustainable by creating avenues where listeners can help us continue to provide you all with these amazing conversations so you can show your support for the Wildcast by buying us a coffee through www.buymeacoffee.com/Wildcast. This helps us invest in better equipment, allow us to host the podcast online, and create better content for all of you listeners.
SUPPORT THE WILDCAST BY BUYING US A COFFEE:
www.buymeacoffee.com/Wildcast