Listen

Description

Lagi ka bang napapangunahan ng pagdududa? Pagdududa kung worth it ka sa blessings na hinihintay mo. Pagdududa kung para sa'yo ba ang taong gusto mo. Pagdududa kung mayroon pang patutunguhan lahat ng efforts mo. Baka INSECURITY na yan. Hindi ka nag-iisa. Lahat ng tao ay pinagdadaanan yan one way or the other. Samahan niyo kami sa isa na namang Positibong Usapan at Balitaktakan at baka makarelate ka sa mga insecurities na aming pinagdaanan at pinagdadaanan pa. Malay mo, magamit mo rin yung mga paraan na ginamit namin para ma-manage ito at tulad sa amin, makatulong ito na makapamuhay ka ng buo at handa sa kung anumang ibabato ng mundo.