Kamusta ang pag-iipon? Ang sarap ng pakiramdam kapag nakikita nating lumalago ang ating mga kinikita. Pero bakit, sa nakararami sa atin, napakahirap ang mag-ipon? Pera lang ba ang kailangan? Doon ba nagtatapos? Samahan niyo kami at ang aming panauhing si PUBs Mike, na mas kilala bilang si Savingero Numero Uno, para pag-usapan kung saan at paano tayo magsisimula sa ating paglalakbay patungo sa matagumpay na pag-iipon.