Listen

Description

Kadalasang tinutukoy sa mga balita sa TV o sa social media na ang mga violent acts, lalo na ang Gender-based Violence ay dulot ng pagkalulong sa alak o ipinagbabawal na droga. Ang selos ay isa rin sa mga sinasabing dahilan nito na kung minsan ay nauuwi pa sa patayan. Samahan kami at ang aming panauhing si John Rey Catalan na isang eksperto sa usaping pang-kasarian, at himayin natin kung saan ba talaga nag-uugat ang Gender-based Violence upang sa gayon ay matukoy natin kung paano ito puputulin nang hindi na tumuloy sa mga susunod na henerasyon.