Samahan niyo kami sa hindi lang Positibo ngunit Pamaskong Usapan at Balitaktakan habang ibinabahagi namin ang ilan sa mga pamaskong kaugalian na aming kinalakihan at patuloy pang ginagawa hanggang sa ngayon. Bakit importante ang mga dekorasyon sa pagdiriwang ng Pasko? Ang pagpapatugtog ng Christmas songs? Ang pagbibigay ng aginaldo? Ang Noche Buena? Ano ba talaga ang diwa ng Pasko at bakit mas kailangan nating ipagdiwang ito ngayon sa gitna ng pandemya at kung ano pang mga sigalot na ating dinanas ngayong 2020.