Listen

Description

"Faith at its heart is about trust. It's one thing to believe in God; it's quite something else to trust him with our lives. We all want deeper relationships built on trust."

-Rick Perry

ISA.. Dito lahat nagsimula, sa konting bilang di naalintana

nagpatuloy, nagsumikap, nanampalataya

hanggang sa unti-unting nakita ang mga bunga

hindi napagod, hindi huminto bagkos, nagpatuloy

ang pananabik na maglingkod, makasama ang mga kaibigan,

at pamilya sa iisang gawain - eto ang ating naging layunin

eto ang naging tibok ng puso natin,

na ituro ang lahat palapit sa Diyos at kung sino si Hesus

dahil sa samahan na to, Bawat isa mahalaga

DALAWA.. Sinubok-tumigil ang ikot ng mundo ngunit hindi tayo huminto

Gaya ng sabi ng kasabihang, kung ayaw may dahilan, kung gusto may paraan

Sa atin, mas nanaig ang kagustuhang maglingkod, mas nanaig ang kagustuhang

magpatuloy at makilala ang Diyos

Ginamit ang mga bagay bagay na meron tayo sa ating mga kamay

Sinamantala at inaral ang mga tinatagong regalo sa bawat teknolohiya

At sa pagtyatyaga- hindi tayo tumigil hindi tayo huminto

dahil sa samahan na ito, We are growing 2gether, We are working 2gether and we are serving 2gether.. and 2gether we are One.

TATLO.. Kasama ang bagong pamantayan

Face mask, Face shield, Social Distancing, okay lang yan

Muli, nasilayan natin ang bawat isa, di man lahat pero nariyan ka

Narito ako, narito tayong lahat

Nakakasabik na makita nag bawat isa, makakwentuhan, makita ang ngiti sa bawat na mga mata, syempre dahil  nakatago sa facemask, anu pa?

Ngunit sa maiksing kwentuhan maraming gustong sabihin ang bibig,

maraming kwentong ibahagi, sa lahat ng mga ito sinubok ng pandemya iisa lamang ang tiyak, lahat ng pusong narito ay napupuno ng galak

dahil lahat ng narito ay.. AlwaysFull

APAT.. Nasa pang-apat na tayo!

As we start May and wait for our 4th Church Anniversary, let's join Pastor Rey as he recounts with us our first, second and third year and where FAITH falls in all of them with his service today with the title : FAITH that goes the DISTANCE 

#Milestones

#ThefirststepinourwalkoffaithistostopourownworksandrestinGodslovewisdomandpower

#IsangTibokIsangPamilya

#spreadHopespreadLovespreadtheWordandnottheVirus

#itisaONEBEATFamdayFundaySonday!