Uy! Bago!
Uy! Bago! Bagong kwento ang nais simulan, ngunit ang puso ay napupuno ng takot at pag-aalinlangan
Kaya ko ba? Itutuloy ko ba?? Huwag nalang yata, dito nalang muna.. Mga salitang naglalaro sa isip, gumugulo, nakakalito.
Uy! Bago! Bagong landas ang kelangang tahakin, pero nag-aalangan, kasi alanganin. Alanganin ang hakbang, di malaman kung paano, ganito ba? Ganyan ba? Ewan ko... Bahala na..
Anu ba yan.. Ganyan ka na naman.. Ayan ka na naman.. Mga boses na naririnig sa aking kapaligiran, nakakapanghina, nakakapagod... aatras nalang yata..
Uy! Bago! Oo, nakalimutan mo na ba?? Na bagong ikaw yan at hindi na ang dati nilang kilala, yung dating duwag, dating hari ng sablay.. Hindi na ikaw yan.. Kasi bago ka na.
Mas matapang dahil Diyos ang katuwang, mas magaling at di na sablay, dahil Diyos ang iyong gabay.
Kaya ngayon, tumayo ka at tumindig at ipagsigawan sa buong daigdig na; UY! BAGO NA’TO!
What does it take to Move Forward? What does it mean to be strong and be courageous? What does it take to fully experience the presence of God?
Come join us today as we take the next step to moving forward with our Service : Taking the Next Step
#Moving4ward
#Takingthenextstep
#NothinginorofthisworldmeasuresuptothesimplepleasureofexperiencingthepresenceofGod
#IsangTibokIsangPamilya
#itisaONEBEATFamdayFundaySonday!