Listen

Description

(The world is saved by the very people it persecutes)

Masarap mabuhay, yan ang bigkas ng mga taong nakakaangat ang buhay\

Dahil nagagawa nila ang gusto nila, nabibili nila ang gusto nila

Pero narinig ko na rin na sinabi ito ng isang mahirap

Dahil wala siyang problema at maayos ang kalusugan

Masarap mabuhay! Yan ay totoo

Hindi dahil sa anung meron ka o anong sitwasyon mo

Masarap mabuhay dahil buhay ka.

Maraming kang kasabay na natulog kagabi, pero hindi na nagising

Realization din siguro ng mga namatay, masarap mabuhay, sana hindi ko sinayang

Pero hindi naman laging masarap mabuhay, lalo na kung dumadaan tayo sa paghihirap

Nawawalan na tayo ng gana, kahit ano pang ihain sa iyo ng buhay, ayaw mo na

Hindi na natin malasap kung anong meron sa buhay,

At magdududa na tayo, masarap pa ba talaga ang buhay?

Sabi ni Hesus, kayo’y asin sa sanlibutan

Hindi kayo ang aasinan, kundi kayo ang asin ng sanlibutan

Para ba gang paalala niya, you give life to life, Magbigay ka ng lasa sa buhay

Sa tradisyon ng mga hudyo, ang asin ay inilalagay sa mga tinapay na iniaalay sa altar

Ito ang utos ng Diyos na ilagay sa mga alay na pagkain

Tanda ang asin na ito ng ating kasunduan/tipan sa Diyos sa ating pag-aalay sa kanya

Ito rin ay tanda ng ating bokasyon, na hindi lamang tayo basta mag aalay, bagkus tayo ay maging mismong alay

Tayo ay maging asin, tayo ay maging alay!

Be the salt, and be the offering

Tayo ay maging asin na magbubudbod ng ating sarili sa iba

At maging kalugod lugod tayong alay sa ating Diyos

Paano kung hindi ka na asin? Paano kung wala ka nang alat?

Wala ka nang kabuluhan, wala nang saysay ang iyong pagpapagal

Tatapak tapakan ka na lang ng mga tao

You lose your saltiness, you lose your meaning, you lose your chance to enter heaven

Ikaw ay liwanag!

Magliwanag ka.

Be who you are… maging liwanag ka

Hindi man natin nakikita ang liwanag, alam naman nating ang liwanag ay nagbibigay kalinawan sa mga bagay sa ating paligid

Si Hesus, nagliwanag Siya sa sanlibutan dahil siya ay liwanag mismo, at dahil siya ay Anak ng Diyos

Tayo rin naman ay mga anak ng Diyos na dapat din magliwanag.

Wag mong itago ang liwanag mo dahil nahihiya ka

Wag mong itagong anak ka ng Diyos dahil nahihiya ka

Masarap ang buhay! At kasama sa sarap ng buhay ang bokasyon nating mabuhay bilang mga anak ng Diyos. Kaya naman tinutugon natin ang ating bokasyon na maging asin at liwanag sa sanlibutan. Ito ang tawag ni Hesus na ilabas natin ang pinakamagandang katangian natin bilang mga tagasunod niya. Let us bring out the best in us. Sa pagiging asin at liwanag, we can bring positivity into this world and the real change can happen through us.