Listen

Description

  1. Akala ko ba mahal mo ako Hesus?

      Friendship with Jesus is a mystery. Mahal niya ang magkakapatid na Marta, Maria, at Lazaro. At sa pagmamahal niya, hinayaan niyang mamatay si Lazaro. Akala ko ba ay mahal mo ako Hesus? 3 kilometro lang ang layo niya sa kanya pero hindi niya agad pinuntahan si Lazaro. Akala ko ba ay mahal mo ako Hesus?  Ngunit pagdating, tumangis din naman siya sa pagpanaw ni Lazaro. Pero kung inagahan mo sana ang pagdating mo, hindi na sana namatay si Lazaro. Gusto namin ay kagalingan niya, ngunit gusto mo namang mamatay siya. Akala ko bay mahal mo ako Hesus?

May mga problema din tayo sa buhay natin na inihihingi natin ng tulong sa Diyos. May mga pagsubok din tayong hinaharap na ipinagdadasal natin kay Hesus na magkaroon ng linaw at maresolba. Ngunit, may mga pagkakataon din na masasabi natin, akala ko ba ay mahal mo ako Hesus? Bakit mo ako pinaghihirap? Bakit hindi mo pinagaling ang anak ko? Bakit hindi mo baguhin ang asawa ko? Bakit hindi mo bayaran ang mga utang ko? Akala ko ba ay mahal mo ako? Bakit pinabayaan mo si Lazaro? Bakit pinabayaan mo ako? Akala ko ba ay mahal mo ako? 

  1. We want healing but Jesus wants rising. Gusto natin gumaling lang sa bisyo natin, pero gusto ni Hesus mamatay tayo sa bisyo natin, a spiritual death, for us to rise again sa buhay na hindi tayo naka-depende sa mga bisyo ng mundo. Gusto natin mawalan tayo ng kaaway, kagalit, pero gusto ni Hesus na mamatay tayo sa pagiging makasarili para muli niya tayong buhayin sa pagiging magiging matulungin at mapagbigay. Gusto natin mawalan tayo ng problema at maging komportable ang buhay, pero gusto ni Hesus mamatay tayo sa maling intensyon natin sa buhay para muli niya tayong buhayin na mayroong bagong intensyon na magmahal at maglingkod. Jesus wants you dead so you can rise again. Ang kagustuhan lang natin ay mabilisang sagot sa mga tanong natin sa buhay, pero ang sagot na ibinibigay ni Hesus ay katotohanan na pang buhay na walang hanggan. It is a mystery why we suffer, but it is not a mystery why we trust Jesus. We trust Him because He wants what is best for us. Let us not desire for healing only, but rising!

  2. Kung mamatay man tayo sa ating mga kasalanan at maling gawi, hayaan naman po nating buksan ni Hesus ang ating libingan. Wag naman tayong magtampo sa kanya at isara ito. Walang masama sayo, pinasama ka lang ng kasalanan. At ngayong wala na ang kasalanan sa iyo, buksan mo na ang iyong libingan! Rise, my child! Bumangon ka.

  3. Mamuhay ka na sa Espiritu ng Diyos! Wag ka nang bumalik sa pagkakasadlak mo sa kasalanan. Ito ka na(monstra ng mataas ng antas ng uri ng pag iral), wag mo nang ibalik pababa ang iyong sarili. Palayain mo na ang sarili mo, sa tulong ng grasya ng ating Panginoong Hesus, sa pagiging mainitin ang ulo, sa pagiging judgmental, sa pagiging palamura. You are better than that. Ang God only wants what is best for you! So rise, and live a life filled with the Spirit of God.