Listen

Description

Palaspas-welcoming Jesus. Ating ngayong sinasalubong si Hesus sa kanyang pagdating sa ating tahanan, sa ating pamilya, sa ating kalooban. We welcome Jesus, our King!

dahil ang mga palaspas ay ginamit ng mga macabeo para malinis ang templo nila. At sa pagdating ni Hesus, sana gamit ang mga palaspas, maging daan nawa rin ito para malinis niya tayo sa ating kadustahan at karumihan dahil sa mga kasalanan.  

“Ngayong araw na ito, sinisimulan natin ang pinakasagrado at pinakadakilang panahon sa Kalendaryong panliturhiya ng Simbahan at sa buong Kristyanismo, ang Semana Santa (Mahal na Araw). Tinatawag itong Linggo ng Palaspas sa Pagpapakasakit ng Panginoon sapagkat ginugunita natin ang maringal na pagpasok ng ating Panginoong Hesukristo sa Banal na Lungsod na Jerusalem upang tuparin ang kalooban ng Diyos Ama sa pamamagitan ng kanyang Misteryong Paskwal (Pagpapakasakit, Pagkamatay, at Muling Pagkabuhay). “

Jesus went up to Jerusalem(754masl), from Jericho(260mbsl), 29 kilometers on a donkey. Hari ba yan? Oo, mahirap na hari. Walang kawal, walang political power. A complete opposite of a king. Pero ang dalang kaligtasan ay higit pa sa kaligtasan sa kaaway. Kundi kaligtasan ng kaluluwa. Siguro, pinapakita ni Hesus na there is power beyond our understanding that only He can provide. May gagawin siyang hindi kayang gawin kahit pagsamasamahin pa ang mga hari, presidente at mga emperor sa sanlibutan. He will face the ultimate fight against death itself!

–Alam mo palang mamamatay ka, bakit tinuloy mo pa?

Alam mong papahirapan ka, bakit ka pa pumunta?

Alam mong kukutyain ka, bakit ka pa dumiretso doon?

Ginawa mo na ang lahat. Naging mabuti ka, naging mabait ka, naging mapagbigay ka!!!

Ano ka ba? Sana hindi ka na tumuloy.

How cowardly was I? Sobra akong natatakot para kay Hesus. Pero bakit hindi natakot si Hesus?

Isa lang ang malinaw: Kasi ang tunay na nagmamahal, hindi natatakot masaktan, o mag alay ng buhay

We have scandalized the term love when we think of it as something romantic, fun and happily ever after only. Love cannot be love without sacrifice. Romantic nga, wala naman kayong bigas. Masaya nga, wala namang kayong pangarap. Happily ever after nga, kaso sabay huminto ang istorya nyong dalawa. Love, from the POV of Jesus, is His willingness to face danger and death just to make sure that we understand how much we mean to Him. ang pagmamahal ni Hesus ay hindi sa masaya lang, sa seemingly perfect lang, sa romance lang, ang pagmamahal Niya ay fighting for us even at the cost of His own life. Martyrdom at its highest definition. Pero may nagsabi sa akin, FR., martir po ako kasi kahit alam kong may ibang babae ang asawa ko, tinatanggap ko parin siya alang alang sa mga anak namin. Martyrdom ay ginagawa nang may tapang alang alang sa pagmamahal sa tama at mabuting dahilan. Hindi ito pagtanggap sa maling gawain. It is not to tolerate evil. Jesus continues to love us not because we will commit the same sins again and again, He does not tolerate that. He loves us so that we can love ourselves so as we also can learn to free ourselves from the bondage of sins.

Kenosis of Jesus–Ito ang tinuturo sa atin ni Hesus. Do not be full of yourself! Wag kang mapuno ng pagiging makasarili mo. hindi lang ikaw ang tao sa mundo. Hindi ikaw ang bida sa istorya ng kwento ng buhay ng tao. Wag sana puro pangangailangan mo lang ang priority mo. wag sana kinabukasan mo ang pinaghahandaan mo. wag mong ikulong ang sarili sa mundong ikaw lang ang mahalaga. Amen,