Listen

Description

Kumusta ka, kapatid? Welcome sa ating Sunday reflection dito sa Almusal ng Pag-ibig.
Ngayong Ikatlong Linggo ng Muling Pagkabuhay, ang ebanghelyo ay mula sa Juan 21:1–19.

At ang eksena? Si Jesus, ang muling nabuhay, nasa tabing-dagat… nagluluto ng almusal.

Lesson 1: Sumunod Kahit Hindi Mo Naiintindihan
Nagpaka-puyat ang mga alagad pero wala silang nahuli. Tapos may nagsabi: “Ihagis ninyo sa kanan.” Sumunod sila… at dun dumating ang himala.
Minsan, grace comes after obedience. Kahit parang walang saysay, basta sinabi ng Diyos—sumunod ka. Baka 'yon ang simula ng sagot mo.