Holiness in concrete behavior towards our neighbors
Success is not in big things but in doing small things perfectly
Ang pagiging perpekto ay isang katangian ng Diyos
Lex Talionis ay paalala hindi para gumanti ng sukdulan. Ito ay paalala para limitahan ang pagganti. Para lagyan ng patnubay ang gagawing pagganti, hindi harabas, hindi sobra sobrang pagganti. Only an eye for an eye. And a tooth for a tooth. At pagnagawa na ito, tapos na ang usapan. It forbids the extent of the revenge such as killing.
At kung ganito man ang mangyari, mata sa mata, lahat tayo ay mabubulag.
Nakita ito ni Hesus, kaya nga ang kanyang tugon sa kasamaan ay hindi rin kasamaan, kundi kabutihan. Ang kanyang pagkapako sa krus ay hindi niya ginamit na dahilan para gumanti ng kasamaan din, kundi ng pag-ibig para sa lahat. Hindi preferential love, kundi encompassing love for all.
Kaya kung may manakit man sa atin, hindi pagganti ang kailangan nating gamitin. Hindi pagtatanim ng sama ng loob para maging kumukulong kalooban dahil sa galit.
Bilang mga nagsusumikap na mga taga sunod ni Hesus, forgiveness is our answer to those who hurt us. Ang kapatawaran ay hindi paglimot sa ginawang sakit, o pagsuporta sa nagawa ng nakasakit. Ang kapatawaran ay pag intindi sa pinagdadaanan ng taong nanakit, sa mga elementong nag kundisyon sa kanya para magawa ito. At dadating tayo sa punto ng kapatawaran na pagtanggap natin na hindi natin kailangang gantihan ang nanakit sa atin, dahil ito ang magpapalaya sa atin sa galit natin. A loss that liberates.
Pwede tayong lumaban, pwede rin naman tayong tumakas
Kapag lumaban tayo, parehas mainit ang ulo natin, lalong iinit ang mundo, at hindi matatapos na awayan.
Pweden tayong tumakas na lang, o tumakbo, pero parang nagbibigay lang tayo ng pananaw na pwedeng nyang gawin kahit anong gusto niya kasi mahina tayo
Or sa paalala ni Hesus, pwede kang makipag usap sa taong ito, hindi para sabayan ang galit kundi para magkaroon ng pag kakaunawaan.