Listen

Description

Ngayong Women's Month, dalawang magiting, matapang, at huwarang Pilipina ang tampok natin sa ikatlong yugto ng Tula Somebody: Pagbasa sa Panitikang Pilipino. Tampok ang mga tulang "Pag-ibig at Paninindigan," "Babae," at "Kasal" ni Lualhati Bautista-- isang premyadong manunulat na mas nakilala sa kanyang mga nobelang "Dekada '70," "Bata, bata... Pa'no Ka Ginawa?," at "Gapo."-- mula sa kanyang unang libro ng mga tula, na pinamagatang "Alitaptap sa Gabing Madilim." Binasa naman ito ni Etta Rosales, isa namang guro at lingkod-bayan, isang Martial Law survivor, dating chairperson ng Commission on Human Rights.



Para sa kababaihan, para sa bayan, para sa lahat-- pakinggan (at pagnilayan) ang special episode na ito ng The Linya-Linya Show, powered by PumaPodcast.



Ibahagi ang inyong komento o reaksyon sa mga nabasang akda, pati na kung may mungkahi kayo sa gusto ninyong susunod na babasahin o magababasa-- ipadala lang sa thelinyalinyashow@gmail.com, o kaya i-DM nyo kami sa @thelinyalinyashow sa Instagram.  



Mabuhay ang panitikang Pilipino!