Listen

Description

Huli man daw at magaling, maihahabol pa rin. Kaya naman, inihahandog natin ang ikalimang yugto ng Tula Somebody: Pagbasa sa Panitikang Pilipino bilang joint celebration ng nagdaang Pride Month at Buwan ng Wika. Sabihin na nating isa itong pagdiriwang ng pag-ibig at ng panitikan.



Tampok ang mga tulang karamihan ay mula sa kanyang librong "Hindi Bagay," ang makata natin sa episode na ito ay si Jerry Gracio. Hindi lang siya nakilala sa pagsusulat ng mga taludtod ng tula-- isa rin siyang scriptwriter ng mga pelikulang Pilipino. Sa katunayan, kinilala siya ng FAMAS noong 2018 sa pelikulang Balangiga: Howling Wilderness bilang “Best Original Screenplay” ng taong iyon. Maliban pa dyan, humakot na rin ng awards si Jerry Gracio sa Carlos Palanca Memorial Awards para sa kanyang short stories, screenplays, at syempre, poetry.



Ang nagbibigay-tinig sa mga berso ni Jerry Gracio-- siMela Habijan.Bukod sa pagiging isang LGBTQIA+ advocate, isa rin siyang scriptwriter, host, actress, at content creator.

Ihanda ang isip, at lalo na, ang puso, sa mga tula at kwentong magpapaantig ng ating mga damdamin. Pakinggan, pakiramdaman, at pagnilayan ang special episode na ito ng The Linya-Linya Show, powered by PumaPodcast.    



Ibahagi ang inyong komento o reaksyon sa mga nabasang akda, pati na kung may mungkahi kayo sa gusto ninyong susunod na babasahin o magababasa-- ipadala lang sa thelinyalinyashow@gmail.com, o kaya i-DM nyo kami sa @thelinyalinyashow sa Instagram.  



Sa mga nagnanais na mabasa ang iba pang tula ni Jerry Gracio sa kanyang librong "Hindi Bagay," malugod nyang ibinabahagi ito sa lahat: https://drive.google.com/file/d/1mZePfI2sYH7yJAi9A8nRADaKfXLlSACX/view



Mabuhay ang panitikang Pilipino!  



#TheLinyaLinyaShow

#TulaSomebody