Listen

Description

Sandali lang. May mga sandali nitong nagdaang taon, 2021, na masasabi nating katangi-tangi.

Totoo: Nasa pandemic pa rin tayo. Maraming dumaang problema. Maraming lumipas at nawala– mga kaibigan, kapamilya, mga nakasanayan nating karanasan, mga alaala.
Pero sa kabila ng mga ito, sa paglipas ng mga araw at buwan, hanggang sa umabot tayo sa ngayon, masasabi nating kinaya natin, dinaanan at nalampasan natin ang mga pagsubok. Sa kabila ng mga pagkakataong marahil, sinabi natin sa sarili natin, “sobrang hirap nito,” “bakit binigay sa akin yung bigat na ‘to,” “hindi ko kaya ‘to”-- kahit siguro paunti-unti, naihakbang natin ang mga paa natin pasulong, nakatuloy tayo, kahit pa mabagal, kahit pa may kanya-kanya tayong kumpas, nandito pa rin tayong lahat ngayon.
Ikaw, ako, kita mo-- nandito tayo sa sandaling ito ngayon.
Kaya ang hiling ko nga sana, tulad ng pagbabahagi ko sa mga personal na karanasan sa episode na 'to, magbigay ka rin sana ng kahit konting panahon, para balikan ang mga katangi-tanging sandali mo nitong taong 2021.

Kahit sandali lang.

Special thanks to Globe iPhone 13 for #ThatPowerfulMoment 🙏🏼