Isa sa mga paborito naming segments ang 22 w/ a Fellow-22. Simple ang layunin: Ang mga nakikinig, sila naman ngayon ang pakikinggan natin (in around 22 mins hehe). Iba’t ibang linya, kwento, at pananaw sa buhay na nakakatawa at nakakatuwa.
Sa episode na ‘to, nakasama natin ang isa sa mga OG Fellow-22’s na si Steve Cardona. Sobrang bait, talented, at punny guy, dating prof sa De La Salle Lipa, mabuting asawa, siklista, podcaster, photographer, at entrepreneur – BOOM!
Kwelang kwentuhan (kahit more than 40 hours na siyang gising nito) tungkol sa tulog at Melatonin, pamimisikleta, smoked meats, at ang mga asterisks ng GCash.
Listeners naman, kaya listen up, yo!