Ang Patawad (forgiveness) ay ang pagpapalaya ng negatibong damdamin o kaisipan na nagreresulta sa pagtanggap sa bagay na nangyari na. Ito ay katulad ng pagpapawalang-sala, pagpapakita ng habag, at paglalayon na maiwasto ang kamaliang nagawa. Sa pamamagitan nito, nabibigyan ang taong nagpatawad ng pagkakataon na makawala mula sa galit at mapaghiganting hangarin, at ang taong pinatawad ng pagkakataon na magsisi at itama ang kasalanang nagawa. Malaki ang ginagampanan ng pagmamahal sa pagbuo ng pantay na pagsang ayon at paghahadlang sa kagustuhang magpataw ng parusa kapalit ng direktang pagpapatawad. Ang desisyon at abilidad ng isang tao na magpatawad ay lubos na nakadepende sa antas ng pagkakasala at damdamin, mga pinagdadaanan ng mga kalahok na naaayon sa yugto ng kanilang buhay, sa lebel ng pang-unawa at perspektibo, at sa sosyal na relasyong mayroon ang magpapatawad at nagkasala.
Factors:
1. Pagtanggap sa hinihinging kapatawaran
2. Pagpapalaya sa negatibong damdamin sa nagkasala
3. Kawalan ng mapaghiganting hangarin
---
Connect with the authors, and check out their small businesses via the following links:
KrochaebyAeri: https://www.facebook.com/profile.php?id=100086725340109&mibextid=ZbWKwL
NiCrochets: https://www.facebook.com/profile.php?id=100066349191334&mibextid=LQQJ4d