Makikipagkuwentuhan si Lourd de Veyra kay Resident Fellow Jose Mojica tungkol sa naging proseso niya ng pagsulat ng "Marka Demonyo," ang pinakabago niyang koleksiyon ng tula. Magbabahagi rin siya tungkol sa kanyang pagtatrabaho sa media ngayong pandemya, at sa kanyang pagguhit.
Si Lourd de Veyra ay napapanood sa News and Public Affairs ng TV5, at tumutugtog para sa bandang Kapitan Kulam. Kilala rin siyang frontman ng Radioactive Sago Project. Siya ang may-akda ng nobelang "Superpanalo Sounds" at mga koleksiyon ng sanaysay na "This Is A Crazy Planets" 1 at 2, at "Espiritu." Ang ilan sa kanyang mga koleksiyon ng tula ay "Shadowboxing In Headphones," "Insectissimo," at "Marka Demonyo or Poems on Love, Faith, and Duct Tape."