Narito na ang inaabangang USTinig episode kasama si Eliza Victoria!
Pakinggan ang kuwentuhan nila ni Resident Fellow Jose Mojica para malaman kung paano napunta si Eliza Victoria sa pagsusulat ng speculative fiction, kung ano ang naging proseso ng pagsulat ng popular na nobelang "Dwellers," ng graphic novel na "After Lambana," ng maikling kuwentong "The Seventh," at ng dulang "Marte" na itinanghal sa Virgin Labfest noong 2016.
Si Eliza Victoria ay isang manunulat na nagkamit ng parangal sa National Book Awards (para sa nobelang Dwellers) at sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (para sa kaniyang mga tula). Maaari siyang bisitahin sa http://elizavictoria.com.