Listen

Description

Ngayong Anibersaryo ng EDSA Revolution, makinig tayo sa kuwentuhan tungkol sa kasaysayan!

Ang tampok na panauhin namin ngayong Pebrero ay ang tanyag na historyador na si Ambeth Ocampo. Pakinggan ang kuwentuhan nila ni Resident Fellow Jose Mojica kay Ambeth Ocampo tungkol sa pagsulat ng kasaysayan at kung bakit lalong mahalagang pag-aralan ang kasaysayan sa kasalukuyang panahon. Pakinggan rin ang mga sagot ni Ambeth Ocampo sa mga tanong ni Dawn Marfil-Burris, ang bagong segment host ng USTinig.

Si Ambeth Ocampo ay isang public historian. Nagsasaliksik siya tungkol sa sining, kultura, at pagkabuo ng bayan noong huling bahagi ng ika-19 siglo ng Pilipinas. Mayroon siyang column sa Inquirer.net, at 48 books, kabilang ang popular na Rizal Without the Overcoat at Looking Back 15: Martial Law. Nagtuturo siya sa Department of History ng Ateneo de Manila University.