Listen

Description

Dala ng natatanging ekolohikal, heograpikal, at sosyo-historikal na konteksto ng Pilipinas, parehong mayabong ang saribuhay at “sariwika” ng bansa. Tinatayang higit sa 38,000 ang bilang ng mga vertebrate at invertebrate na species sa arkipelago. Naglalaro naman sa 130 hanggang 187 ang bilang ng mga wika sa bansa. Buhat ng posisyong ito, maituturing na matabang lupa ang Pilipinas para sa pagninilay-nilay hinggil sa teorya at praktika ng “ekopagsasalin” (“ecotranslation”).

Ano ang "ekopagsasalin"? Bakit ito mahalaga bilang dulog sa pagsasalin at pagtatanggol-kalikasan. Talakayin natin. Rak.