Ang wikang Filipino ay maaaring maging wika sa teorya at praktika ng inhenyeriya. Nagbubunsod ng tunggalian sa pagitan ng propesyonal na inhenyero at mga manggagawa ang dikotomiya ng Filipino at Ingles, na reipikasyon naman ng tunggalian ng mga uring panlipunan.
Makakasama natin ngayon ang isang inhenyerong mekanikal na nabatid ang naturang tunggalian sa pakikisalamuha niya sa mga manggagawa at karpintero na sa katunayan ay mga organikong eksperto sa inhenyeriya. Pakinggan natin ang mga pananaw ni Ian Baytamo, inhenyero at guro sa Kolehiyo ng Inhenyeriya sa Uniberisdad ng Pilipinas.