Ang episode na ito ay tungkol naman sa mga taong malaki ang naiambag at humulma sa ating pagkatao—mga guro! Belated Teacher’s Day episode hatid sa inyo ng ABASessions. Alalahanin natin ‘yung mga panahong kasama natin ang mga guro nu’ng nasa elementary, high school, at college pa tayo. Pag-usapan din natin nang kaunti ang hinaing ng mga guro at kung anong tulong ang puwedeng maibigay ng isang estudyante o ng mga tulad nating grumadweyt sa kalinga nila. Bawal umabsent!