Pag-uusapan natin ang ilang kababalaghan (?) na nangyari o pinaniniwalaan ng ating mga host. Talakayin natin ang history ng Halloween. Papasadahan ang ilang halimaw sa mitolohiya, kultura, at kasaysayan ng Pilipinas. Please samahan n’yo rin kaming mag-meditate regarding sa mga laspag nang stereotype sa mga elemento’t multo tulad ng bakit hindi gawing model ng detergent ang White Lady, may gigantism ba sa mga duwende, sinong supplier ng kapre, at kung diabetic nga ba ang batibat.