Pag-uusapan natin at bibigyan natin ng pagpupugay ang isa sa pinakatinitingalang pamilya sa Pilipinas. Bilang anniversary last last week ng graft case ng convicted plunderer na si Madame Imelda (na mind you malaya pa rin dahil sabi ng PNP ay maging considerate sa edad, na same PNP rin na hindi considerate kapag manghuhuli ng matandang walang suot na face mask sa kalsada), bilang insensitibo si Blengblong na pagkatapos manalasa ni Rolly at Ulysses ay saka nagpa-media para sa plano nitong mang-inhibit ng isang hukom ng Korte Soprema (na mind you suportado ng lapdog nilang Solicitor General na kumikita ng milyon-milyon buwan-buwan dahil sa pagiging lapdog din sa Tuta ng Tsina), tanungin na rin natin kung nasaan ang kanilang mga cronies, at other current events like the Mananita Chief for some clout.