Listen

Description

LUNES, MARSO 11, 2024
Lunes sa Ika-4 na Linggo ng Paghahanda Para sa Pasko ng Pagkabuhay
Paggunita kay San Eulogio, pari at martir

[MABUTING BALITA]: JUAN 4: 43 - 54

Pagkaraan ng dalawang araw na iyon, umalis siya roon at pumunta sa Galilea.
Ito ay sapagkat si Jesus ang siyang nagpatotoo: Ang isang propeta ay walang karangalan sa sarili niyang bayan. Kaya nang siya ay dumating sa Galilea, tinanggap siya ng mga taga-Galilea na pumunta rin sa kapistahan. Ito ay sapagkat nakita nila ang lahat ng mga bagay na ginawa niya sa Jerusalem sa panahon ng kapistahan.

Pumunta ngang muli si Jesus sa Cana na nasa Galilea. Ito ang pook na kung saan ginawa niyang alak ang tubig. Naroroon ang isang opisyal ng hari na ang kaniyang anak na lalaki, na nasa Capernaum, ay maysakit. Narinig ng opisyal ng hari na si Jesus ay dumating sa Galilea mula sa Judea. Pagkarinig niya, pumunta siya kay Jesus at hiniling na siya ay lumusong at pagalingin ang kaniyang anak na lalaki sapagkat ang kaniyang anak ay mamamatay na.
Sinabi nga sa kaniya ni Jesus: Malibang makakita kayo ng mga tanda at mga kamangha-manghang gawa, kailanman ay hindi kayo sasampalataya.
Sinabi sa kaniya ng opisyal ng hari: Ginoo, lumusong ka bago mamatay ang aking maliit na anak.

Sinabi sa kaniya ni Jesus: Yumaon ka, buhay ang anak mong lalaki.
Sinampalatayanan ng lalaki ang salitang sinabi ni Jesus sa kaniya at siya ay umalis.
Nang siya ay lumulusong na, sinalubong siya ng kaniyang mga alipin. Kanilang iniulat na buhay ang kaniyang anak. 52 Tinanong niya sila kung anong oras bumuti ang kaniyang anak. Kanilang sinabi sa kaniya: Kahapon nang ikapitong oras ng araw nawala ang kaniyang lagnat.
Nalaman nga ng ama na sa ganoong oras sinabi ni Jesus sa kaniya: Ang iyong anak na lalaki ay buhay. Siya ay sumampalataya pati na ang kaniyang buong sambahayan.

Ito ang ikalawang tanda na ginawa ni Jesus sa kaniyang pagdating sa Galilea mula sa Judea

Reflection by Pao Antonio: Covenanted Member - Ang Ligaya ng Panginoon. Resident Preacher and Executive Producer of Pathways of Hope. Resident Preacher - Pathways Ministry. Director of Sales - LIVECORE Corporation. Financial Planner.

#POHopegiver #LandasngPagasa #catholic #biblereadings #Hesus #catholicchurch #christian #church #faith #Diyos #Hesukristo #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel