MARTES, SETYEMBRE 5, 2023
Martes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon
Paggunita kay Mother Theresa ng Calcutta
[MABUTING BALITA]: LUCAS 4:31 - 37
Noong panahong iyon, nagpunta si Hesus sa Capernaum, Galilea. Nagturo siya sa mga tao nang Araw ng Pamamahinga at nagtaka sila sa kanyang pagtuturo, sapagkat may kapangyarihan kung siya’y magsalita. Naroon sa sinagoga ang isang lalaking inaalihan ng demonyo o isang masamang espiritu. Sumigaw siya nang malakas: “Ano ang pakialam mo sa amin, Hesus na taga-Nazaret? Naparito ka ba upang puksain kami? Alam ko kung sino ka ikaw ang Banal ng Diyos.” Subalit pinagwikaan siya ni Hesus, “Tumahimik ka! Lumayas ka sa taong iyan!” At sa harapan ng lahat, ang tao’y inilugmok ng demonyo at iniwan nang hindi man lamang sinaktan. Nanggilalas silang lahat at nagsabi sa isa’t isa, “Anong uri ng pangungusap ito? Makapangyarihan at mabisa! Pinalalayas niya ang masasamang espiritu, at sumusunod naman sila!” At kumalat ang balita tungkol kay Hesus sa buong lupaing iyon.
Video by Roy Azarcon : Research and Tutorial Services. Pathways Wide Intercession Ministry Head. Tahanan ng Panginoon Area Worker. Covenanted Member-Ligaya ng Panginoon
#POHopegiver#LandasngPagasa