Listen

Description

LUNES, MAYO 6, 2024

Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay

[MABUTING BALITA]: JUAN 15: 26 - 16:4a

Pagdating ng Kaagapay na aking isusugo mula sa Ama, ang Espiritu ng katotohanan na darating mula sa Ama, siya ang magpapatotoo tungkol sa akin. At maging kayo ay magpapatotoo sapagkat kayo ay kasama ko mula pa sa simula.

“Sinabi ko ang mga ito sa inyo upang huwag ninyong talikuran ang inyong pananampalataya. Palalayasin nila kayo sa mga sinagoga. At dumarating na nga ang oras na ang mga papatay sa inyo ay mag-iisip na ginagawa nila ito bilang paglilingkod sa Diyos. At gagawin nila ito sapagkat hindi nila kilala ang Ama o ako man. Subalit sinabi ko ang mga ito sa inyo upang pagdating ng oras ay maalala ninyo ang sinabi ko tungkol sa kanila.

“Hindi ko sinabi sa inyo ang mga ito noon, sapagkat kasama pa ninyo ako.


Reflection by Adrian Bondoc: Human Resources and Training Consultant. Executive Producer-Kakaiba Ka! Ministry. Covenanted member-Ang Ligaya ng Panginoon Community.


#POHopegiver #LandasngPagasa #catholic #biblereadings #jesus #catholicchurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel