Listen

Description

LUNES, NOBYEMBRE 11, 2024
Lunes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon

MABUTING BALITA: LUCAS 17: 1 - 6

Sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Ang sanhi ng pagkakasala ay hindi mawawala ngunit kaysaklap ng sasapitin ng taong panggagalingan nito. Mabuti pa sa kanya ang itapon sa dagat nang may nakabiting batong panggiling sa kanyang leeg, kaysa maging sanhi ng pagkakasala ng sinuman sa mga maliliit na ito. Kaya't mag-ingat kayo! Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, sawayin mo siya, at kung siya ay magsisi, patawarin mo siya. Kung pitong ulit siyang magkasala sa iyo sa isang araw at pitong ulit siyang lumapit sa iyo na nagsasabing, ‘Nagsisisi ako,’ patawarin mo siya.”

Sinabi ng mga apostol sa Panginoon, “Dagdagan po ninyo ang pananampalataya namin.” Kaya sinabi ng Panginoon, “Kung may pananampalataya kayong kasinlaki ng butil ng mustasa, masasabi ninyo sa puno ng sikamorong ito, ‘Mabunot ka at maitanim ka sa dagat,’ susundin kayo nito.”

Reflection by Jay Guiyab : BSCE graduate. Customer Service representative. Familia Member. Mission Head for Singles-Baguio. Familia Young Adults Coordinator.

#POHopegiver #LandasngPagasa #catholic #scriptures #bibleeadings #Jesus #CatholicChurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel