LUNES, PEBRERO 10, 2025Lunes sa iIka-limang Linggo sa Karaniwang PanahonPaggunita kay Santa Escolastica, dalagaMABUTING BALITA: LUCAS 10: 38-42
Sa pagpapatuloy ng kanilang paglalakbay, pumasok si Jesus sa isang nayon. Isang babae roon, na ang pangala'y Marta, ang malugod na tumanggap kay Jesus sa kanyang bahay. Mayroon siyang kapatid na babae na ang pangalan ay Maria, na naupo sa paanan ng Panginoon at nakinig sa mga sinasabi ni Jesus. Ngunit nag-aalala si Marta sa dami ng gawain kaya't lumapit siya kay Jesus at nagsabi, “Panginoon, wala bang anuman sa inyo na pinababayaan ako ng aking kapatid na maglingkod mag-isa? Sabihin ninyo sa kanya na tumulong sa akin.” Ngunit sinabi sa kanya ng Panginoon, “Marta, Marta, nag-aalala ka at nababagabag sa maraming bagay. ngunit isang bagay lamang ang kailangan. Pinili ni Maria ang mabuting bahagi at ito'y hindi kukunin sa kanya.”
Reflection by Bob Lopez: Communications specialist. Former Mission Director-Word of Joy Foundation/Institute forPastoral Development. Trainer and formator serving dioceses, congregations and organizations. Faculty member. Covenanted member-Ang Ligaya ng Panginoon.