LINGGO, ENERO 28, 2024
Ika-apat na Linggo sa Karaniwang Panahon
Paggunita kay Santo Tomas Aquinas, Dominicano, Pantas ng Simbahan at Patron ng mga Katolikong paaralan
[MABUTING BALITA]: MARCOS 1: 21 - 28
Noong panahong iyon, si Hesus at ang mga alagad at nagpunta sa Capernaum. Nang sumunod na Araw ng Pamamahinga ay pumasok si Hesus sa sinagoga at nagturo. Namangha ang mga tao sapagkat nagturo siya sa kanila na parang isang may kapangyarihan, at hindi tulad ng mga eskriba.
Bigla namang pumasok sa sinagoga ang isang lalaking inaalihan ng masamang espiritu, at sumigaw: “Ano ang pakialam mo sa amin, Hesus na taga-Nazaret? Naparito ka ba upang puksain kami? Kilala kita: ikaw ang Banal na mula sa Diyos!” Ngunit iniutos ni Hesus sa masamang espiritu, “Tumahimik ka! Lumabas ka sa kanya!” Pinapangisay ng masamang espiritu ang tao, at sumisigaw na lumabas. Nanggilalas ang lahat, kaya’t sila’y nagtanungan, “Ano ito? Bagong aral? Nauutusan niya pati ang masasamang espiritu. At sinusunod naman siya!” At mabilis na kumalat sa buong Galilea ang balita tungkol kay Hesus
Reflection by Edwin Hermoso: Professional photographer. Site Leader-Pathways Alabang, Pastoral Leader- South District of Ligaya ng Panginoon.
#POHopegiver#LandasngPagasa#catholic #biblereadings #Hesus #catholicchurch #christian #church #faith #Diyos #Hesukristo #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel