Listen

Description

SABADO, HULYO 5, 2025

Sabado ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon

Paggunita kay San Antonio Mary Zaccareria, pari

LANDAS NG PAG-ASA : “BATAS NG PAG-IBIG”

[MABUTING BALITA]: MATEO 9:14-17

Noong panahong iyon, lumapit kay Hesus ang mga alagad ni Juan Bautista at ang wika, “Malimit kaming mag-ayuno, gayun din ang mga Pariseo. Bakit po hindi nag-aayuno ang inyong mga alagad?” Sumagot siya, “Maaari bang magdalamhati ang mga panauhin sa kasalan habang kasama nila ang lalaking ikinasal? Kapag wala na siya, saka pa lamang sila mag-aayuno.

“Walang nagtatagpi ng bagong kayo sa isang lumang kasuutan; sapagkat mababatak nito ang tinagpian, at lalong lalaki ang punit. Wala ring nagsisilid ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat. Kapag gayon ang ginawa, puputok ang balat, matatapon ang alak, at mawawasak ang sisidlan. Sa halip ay isinisilid ang bagong alak sa bagong sisidlang-balat, at sa gayo’y kapwa nagtatagal.

Reflection by Edwin Hermoso : Professional photographer. Site Leader-Pathways Alabang, Pastoral Leader- South District of Ligaya ng Panginoon.

#LandasngPagasa #catholic #scriptures #bibleeadings #Jesus #CatholicChurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer#hope