MIYERKULES, ENERO 3, 2024
Miyerkules sa Panahon ng Pasko
Pag-alaala kay San Anterus, Papa
Pag-alaala kay Santa Genevieve, Birhen
Pag-alaala kay Santo Jose Mari Tomasi, Pari ng Theatine, Kardinal
Pag-alaala kay Santo Telephore, Papa ad Martir
[MABUTING BALITA]: JUAN 1: 29 - 34
Kinabukasan, nakita ni Juan si Hesus na lumalapit sa kanya. Sinabi niya, “Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan! Siya ang tinutukoy ko nang sabihin kong dumarating na kasunod ko ang isang higit sa akin sapagkat siya’y siya na bago pa ako ipanganak. Hindi ko rin siya lubos na nakikilala noon, bagamat ako’y naparitong nagbibinyag sa tubig upang ipakilala siya sa Israel.”
Ito ang patotoo ni Juan, “Nakita ko ang Espiritung bumababa buhat sa langit, gaya ng isang kalapati, at nanatili sa kanya. Hindi ko nga siya lubos na nakikilala noon, ngunit ang nagsugo sa akin upang magbinyag sa tubig ang nagsabi sa akin, ‘Makikita mo ang Espiritu na bababa at mananatili sa isang tao – siya ang magbibinyag sa pamamagitan ng Espiritu Santo.’ Nakita ko ito, at pinatototohanan kong siya ang Anak ng Diyos.”
Reflection by Edwin Hermoso: Professional photographer. Site Leader-Pathways Alabang, Pastoral Leader- South District of Ligaya ng Panginoon.
#POHopegiver #LandasngPagasa #catholic #biblereadings #Jesus #catholicchurch #christian #church #faith #God #JesusChrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel