Listen

Description

LINGGO, JUNE 2, 2024
Linggo sa Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon

MABUTING BALITA: MARCOS 14:12-16, 22-26

Nang unang araw ng Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa sa araw ng paghahain ng kordero ng Paskuwa, tinanong si Jesus ng kanyang mga alagad, “Saan po ninyo gustong ipaghanda namin kayo upang makakain ng hapunang pampaskuwa?” Inutusan niya ang dalawa sa kanyang mga alagad, “Pumunta kayo sa lungsod at masasalubong ninyo doon ang isang lalaking may dalang banga ng tubig. Sundan ninyo siya. Sabihin ninyo sa may-ari ng bahay na kanyang papasukan, ‘Ipinatatanong po ng Guro kung saang silid siya maaaring kumain ng hapunang pampaskuwa, kasalo ang kanyang mga alagad.’ Ituturo niya sa inyo ang isang malaking silid sa itaas na nakahanda na at mayroon nang mga kagamitan. Doon kayo maghanda para sa atin.” Kaya't umalis ang mga alagad, nagpunta sa lungsod, at natagpuan doon ang lahat ayon sa sinabi ni Jesus. At inihanda nila ang Hapunang Pampaskuwa.

Habang kumakain sila, kumuha si Jesus ng tinapay at nagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos, pinagputul-putol niya ang tinapay, ibinigay sa mga alagad at sinabi, “Tanggapin ninyo; ito ang aking katawan.” Dumampot din siya ng kopa at matapos magpasalamat sa Diyos, iniabot ito sa mga alagad at mula roon ay uminom silang lahat. Sinabi niya sa kanila, “Ito ang aking dugo ng tipan, na ibinubuhos para sa marami. Katotohanan ang sinasabi ko sa inyo, hindi na ako iinom ng alak mula sa katas ng ubas hanggang sa araw na iyon na uminom ako nang panibago sa kaharian ng Diyos.” Pagkaawit ng isang himno, lumabas sila at nagpunta sa Bundok ng mga Olibo.


Reflection by Bob Lopez: Communications specialist. Former Mission Director-Word of Joy Foundation/Institute for Pastoral Development. Trainer and formator serving dioceses, congregations and organizations. Faculty member. Covenanted member-Ang Ligaya ng Panginoon.


#POHopegiver #LandasngPagasa #catholic #biblereadings #Hesus #catholicchurch #christian #church #faith #Diyos #Hesukristo #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel