BIYERNES, SETYEMBRE 15, 2023
Biyernes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon
Paggunita sa Mahal na Birheng Maria na Nagdadalamhati
[MABUTING BALITA]: JUAN 19: 25 - 27
Noong panahong iyon, nakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae nitong si Maria, na asawa ni Cleopas. Naroon din si Maria Magdalena. Nang makita ni Hesus ang kanyang ina, at ang minamahal niyang alagad sa tabi nito, kanyang sinabi, “Ginang, narito ang iyong anak!” At sinabi sa alagad, “Narito ang iyong ina!” Mula noon, siya’y pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay.
LUCAS 2: 33 - 35
Noong panahong iyon, namangha ang ama’t ina ng sanggol dahil sa sinabi ni Simeon tungkol sa kanya. Binasbasan sila ni Simeon, at sinabi kay Maria. “Tandaan mo, ang batang ito’y nakatalaga sa ikapapahamak o ikaliligtas ng marami sa Israel, isang tanda mula sa Diyos ngunit hahamakin ng marami kaya’t mahahayag ang kanilang iniisip. Dahil diyan, ang puso mo’y para na ring tinarakan ng isang balaraw.”
Video by Glen Glorioso : Licensed Financial Adviser. Youth worker, Ligaya ng Panginoon Community. Preacher.
#POHopegiver #LandasngPagasa