MIYERKULES, OKTUBRE 16, 2024
Miyerkules ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon
MABUTING BALITA: LUCAS 11: 42 - 46
Kaysaklap ng sasapitin ninyong mga Fariseo! Sapagkat naglalaan kayo para sa Diyos ng ikasampung bahagi ng yerbabuena, ruda, at ng iba pang halamang pagkain ngunit binabalewala ninyo ang katarungan at pag-ibig ng Diyos. Dapat nga kayong maglaan ng ikasampu subalit huwag ninyong kaligtaan ang katarungan at pag-ibig ng Diyos. 43 Kaysaklap ng sasapitin ninyong mga Fariseo! Sapagkat ang gusto ninyo ay ang mga upuang pandangal sa mga sinagoga at ang mabigyang-pugay sa mga pamilihan. 44 Kaysaklap ng sasapitin ninyo sapagkat para kayong mga libingang walang tanda kaya't nalalakaran ng mga tao nang hindi nila nalalaman!” 45 Tumugon sa kanya ang isa sa mga dalubhasa sa Kautusan, “Guro, sa mga sinabi mo ay para mo na rin kaming kinutya.” 46 Kaya't sinabi niya, “Kaysaklap ng sasapitin ninyong mga dalubhasa sa Kautusan! Sapagkat pinahihirapan ninyo ang mga tao sa mga pasaning mahirap dalhin subalit ni daliri man lamang ninyo ay hindi iginagalaw upang sila'y tulungan.
Reflection by Joey Binay: Sales-Industrial Essential Oil/Fragrances. Head-Communications Ministry. Member: North & Central Sector of MM-Familia