Listen

Description

MIYERKULES, AGOSTO 2, 2023
Miyerkules ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon
Paggunita kay San Eusebio ng Vercelli, Obispo at kay San Pedro Julio Eymard, pari

[MABUTING BALITA]: MATEO 13: 44 - 46

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao, “Ang paghahari ng Diyos ay katulad ng kayamanang nakabaon sa isang bukid. Nahukay ito ng isang tao at tinabunan uli. Sa laki ng tuwa, siya’y humayo at ipinagbili ang lahat ng ari-arian niya at binili ang bukid na iyon.

“Gayun din naman, ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: may isang mangangalakal na naghahanap ng mamahaling perlas. Nang makakita ng isang perlas na napakahalaga, siya’y humayo at ipinagbili ang lahat ng kanyang ari-arian at binili iyon.”

Reflection by Jay Guiyab: BSCE graduate. Customer Service representative. Familia Member. Mission Head for Singles-Baguio. Familia Young Adults Coordinator.

#POHopegiver #LandasngPagasa #Hesus