SABADO, ENERO 25, 2025
Sabado ng Ikalawang Linggo sa Karaniwang Panahon
Kapistahan ng Pagbabagong-Buhay ni Apostol San Pablo
Paggunita kay Santo Ananias of Damascus, Nag-bautismo kay Apostol San Pablo
MABUTING BALITA: MARCOS 16 : 15 - 18
Noong panahong iyon, nagpakita si Hesus sa Labing-isa at sinabi sa kanila, “Humayo kayo sa buong sanlibutan at ipangaral ninyo sa lahat ang Mabuting Balita. Ang sumasampalataya at magpabinyag ay maliligtas, ngunit ang hindi sumampalataya ay parurusahan. Ang mga sumampalataya ay magtataglay ng ganitong tanda ng kapangyarihan: sa pangalan ko’y magpapalayas sila ng mga demonyo at magsasalita ng ibang wika; sila’y hindi maaano dumampot man ng ahas o uminom ng lason; at gagaling ang mga maysakit na mapatungan ng kanilang kamay.”
Reflection by Lawrence Quintero: Missionary Development and Deployment Program Head of Couples for Christ
#POHopegiver #LandasngPagasa #catholic #scriptures #bibleeadings #Jesus #CatholicChurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel