Listen

Description

HUWEBES, PEBRERO 6, 2025
Huwebes ng Ika-apat na Linggo sa Karaniwang Panahon
Paggunita kina San Pedro Bautista, San Pablo Miki at mga Kasama, mga martir

MABUTING BALITA: MARCOS 6: 7-13


Siya'y lumibot na nagtuturo sa mga karatig-nayon. Tinawag niya ang labindalawa at isinugo sila nang dala-dalawa, at pinagkalooban ng kapangyarihan laban sa mga maruruming espiritu. Ipinagbilin niya sa kanila na huwag magdadala ng anuman sa kanilang paglalakbay gaya ng tinapay, balutan, at salapi sa kanilang mga pamigkis maliban sa isang tungkod. Pinapagsuot sila ng sandalyas ngunit hindi pinapagdala ng damit na bihisan. Sinabi niya sa kanila, “Pagtuloy ninyo sa isang bahay, manatili kayo roon hanggang umalis kayo sa lugar na iyon. Kung tanggihan kayo at ayaw pakinggan sa alinmang bayan, ipagpag ninyo ang alikabok sa inyong mga paa pag-alis ninyo sa lugar na iyon bilang patotoo laban sa kanila.” Humayo nga ang labindalawa at ipinangaral sa mga tao na dapat silang magsisi. Nagpalayas sila ng maraming demonyo, nagpahid ng langis sa maraming maysakit at nagpagaling sa mga ito.

Reflection by Michael Shok Ariola: Servant leader/Full time missionary-Couples for Christ (CFC). Head of Ministry
Development and Deployment Program.