LUNES, ENERO 6, 2025
MABUTING BALITA: MATEO 4: 12 - 17, 23 - 25
Nabalitaan ni Jesus na si Juan ay dinakip kaya't pumunta siya sa Galilea. Nilisan niya ang Nazareth at siya'y nanirahan sa Capernaum na nasa tabing-dagat, sa nasasakupan ng Zebulun at Neftali, upang matupad ang salita ng Diyos sa pamamagitan ni Propeta Isaias:
“Ang lupain ng Zebulun at ang lupain ng Neftali—
daang patungo sa dagat, sa ibayo ng Jordan, Galilea ng mga Hentil—
Ang bayang itong nasasadlak sa kadiliman
ay nakakita ng malaking tanglaw,
Sa kanilang nakaupo sa lilim ng kamatayan
ay may liwanag na sumilang.”
Mula noon ay nagsimulang mangaral ng ganito si Jesus, “Magsisi kayo, sapagkat malapit nang dumating ang kaharian ng langit.”
Reflection by Adrian Bondoc: Human Resources and Training Consultant. Executive Producer-Kakaiba Ka! Ministry.
Covenanted member-Ang Ligaya ng Panginoon Community.