LUNES, HUNYO 17, 2024
Linggo ng Ikalabing-isang Linggo sa Karaniwang Panahon
Paggunita sa mga Santong sina Santo Blaise at Diogen, Mga Martir sa Via Salaria Antica
MABUTING BALITA: MATEO 5 : 38 - 42
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Narinig ninyo na sinabi: ‘Mata sa mata at ngipin sa ngipin.’ Ngunit ngayo’y sinasabi ko sa inyo: huwag ninyong labanan ang masamang tao. Kung may sumampal sa iyo sa kanang pisngi, iharap mo pa sa kanya ang kabila. Kung ipagsakdal ka ninuman upang makuha ang iyong baro, ibigay mo sa kanya pati ang iyong balabal. Kung sapilitang ipapasan sa iyo ng manlulupig ang kanyang dala nang isang kilometro, pasanin mo ito nang dalawang kilometro. Magbigay ka sa nanghihingi sa iyo, at huwag mong pahindian ang nanghihiram sa iyo.”
Reflection by Michael Shok Ariola : Servant leader/Full time missionary-Couples for Christ (CFC). Head of Ministry Development and Deployment Program.
#POHopegiver #LandasngPagasa #catholic #biblereadings #jesus #catholicchurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel #Pentecost #Pentekostes #EspirituSanto #HappybirthdayChurch