LUNES, ABRIL 21, 2025 Lunes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling PagkabuhayPaggunita kay San Anselmo, ArsobispoMABUTING BALITA: MATEO 28 : 8 - 15Noong panahong iyon, dali-daling umalis ang mga babae ng libingan. Pinagharian sila ng magkahalong takot at galak. At patakbong nagpunta sa mga alagad upang ibalita ang nangyari.Ngunit sinalubong sila ni Hesus at binati. At lumapit sila, niyakap ang kanyang paa at sinamba siya. Sinabi sa kanila ni Hesus, “Huwag kayong matakot! Humayo kayo at sabihin sa mga kapatid ko na pumunta sila sa Galilea, at makikita nila ako roon!”Pagkaalis ng mga babae, pumunta naman sa lungsod ang ilan sa mga kawal na nagbabantay sa libingan at ibinalita sa mga punong saserdote ang lahat ng nangyari. Nagtipun-tipon ang mga ito at matapos makipagpulong sa matatanda ng bayan, sinuhulan nang malaki ang mga kawal. At inutusan sila na ganito ang ipinamalita, “Samantalang natutulog kami kagabi, naparito ang kanyang mga alagad at ninakaw ang kanyang bangkay.” Sinabi pa nila, “Huwag kayong mag-alaala, makarating man ito sa gobernador. Kami ang bahala!” Tinanggap ng mga bantay ang salapi at ginawa ang bilin sa kanila. Hanggang ngayon, ito pa rin ang sabi-sabi ng mga Judio.Reflection by Eric Rivas : Director of Services for a multinational company. Pastoral Leader and District Coordinator - Ang Ligaya ng Panginoon. #LandasngPagasa #catholic #scriptures #bibleeadings #Jesus #CatholicChurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel