BIYERNES, MARSO 14, 2025Biyernes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay MABUTING BALITA]: MATEO 5: 20 - 26
Sapagkat sinasabi ko sa inyo, kung ang inyong pagiging matuwid ay hindi hihigit sa pagiging matuwid ng mga tagapagturo ng Kautusan at mga Fariseo, hinding-hindi kayo makapapasok sa kaharian ng langit. “Narinig ninyong sinabi sa mga tao noong unang panahon, ‘Huwag kang papatay, at sinumang pumatay ay mananagot sa hukuman.’ Ngunit sinasabi ko sa inyo, sinumang napopoot sa kanyang kapatid ay mananagot sa hukuman; sinumang magsabi sa kanyang kapatid, "Raca", ay pananagutin sa Sanhedrin; at sinumang magsabi, ‘Ulol ka’ ay mananagot sa impiyernong nagliliyab sa apoy. Kaya't kung mag-aalay ka ng iyong handog sa dambana at doon ay naalala mong may sama ng loob sa iyo ang iyong kapatid, iwan mo ang iyong handog sa harap ng dambana at umalis ka. Makipagkasundo ka muna sa iyong kapatid at pagkatapos ay bumalik ka at ialay mo ang iyong handog. Agad kang makipagkasundo sa naghabla sa iyo habang papunta pa lamang kayo sa hukuman, kung hindi ay ibibigay ka niya sa hukom, at ibibigay ka ng hukom sa bantay at ikaw ay masasadlak sa bilangguan. Tinitiyak ko sa iyo, hindi ka makalalabas doon hanggang hindi mo naibabayad ang kahuli-hulihan mong barya.Reflection by Glen Glorioso: Licensed FinancialAdviser. Youth worker, Ligaya ng Panginoon Community. Preacher.#POHopegiver #LandasngPagasa #catholic #scriptures #bibleeadings #Jesus #CatholicChurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel