Listen

Description

HUWEBES, ENERO 16, 2025
Huwebes ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon

MABUTING BALITA: MARCOS 1:40-45


May isang ketonging lumapit kay Jesus, lumuhod at nagmakaawa, “Kung nais po ninyo'y magagawa ninyong linisin ako.” Labis na nahabag si Jesus sa ketongin, kaya't hinawakan niya ito at sinabi, “Nais ko. Maging malinis ka!” Noon di'y nawala ang ketong ng lalaki at ito'y luminis. Pagkatapos niya itong pagbilinan nang mahigpit, kaagad niya itong pinaalis. Ganito ang bilin niya sa lalaki, “ Huwag mo itong sasabihin kahit kanino. Sa halip, magpasuri ka sa pari at maghandog ka ayon sa utos ni Moises. Gawin mo ito bilang patunay sa kanila na malinis ka na.” Ngunit pagkaalis ng lalaki ay kanyang ipinamalita ang nangyari sa kanya. Kaya't hindi na hayagang makapasok sa mga bayan si Jesus, at sa halip ay nanatili na lamang sa labas ng bayan. Gayunman, kahit doo'y patuloy siyang dinadayo ng mga tao na mula pa sa iba't ibang dako.

Reflection by Bob Lopez: Communications specialist. Former Mission Director-Word of Joy Foundation/Institute for
Pastoral Development. Trainer and formator serving dioceses, congregations and organizations. Faculty member. 
Covenanted member-Ang Ligaya ng Panginoon.