BIYERNES, DISYEMBRE 1, 2023
Biyernes ng Ika-34 Linggo sa Karaniwang Panahon
Paggunita kay San Eloi
[MABUTING BALITA]: LUCAS 21: 29 - 33
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad ang isang talinghaga: “Tingnan ninyo ang puno ng igos at ibang punongkahoy. Kapag nagdadahon na ito, alam ninyong malapit na ang tag-araw. Gayun din naman, kapag nakita ninyong nangyayari na ang mga ito, malalaman ninyong malapit nang maghari ang Diyos. Tandaan ninyo: magaganap ang lahat ng ito bago mamatay ang lahat ng taong nabubuhay sa ngayon. Mawawala ang langit at ang lupa, ngunit ang salita ko’y hindi magkakabula.”
Reflection by Eric Rivas : Director of Services for a multinational company. Pastoral Leader and District Coordinator - Ang Ligaya ng Panginoon.
#POHopegiver #LandasngPagasa #Hesus