MIYERKULES, ENERO 15, 2025
Miyerkules ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon
MABUTING BALITA: MARCOS 1 : 29 - 39
Mula sa sinagoga ay agad silang tumuloy sa bahay ni Simon at ni Andres, kasama sina Santiago at Juan. Nakahiga noon ang biyenang babae ni Simon dahil sa lagnat. Kaagad nilang sinabi kay Jesus ang tungkol sa kanya. Kaya't lumapit si Jesus sa babae, hinawakan ang kamay nito at ibinangon. Nawala kaagad ang lagnat ng babae at siya'y naglingkod sa kanila. Pagsapit ng gabi, dinala ng mga tao kay Jesus ang lahat ng maysakit at ang mga sinasaniban ng demonyo. Lahat ng tao sa lungsod ay nagkatipon sa harap ng bahay. Nagpagaling siya ng maraming taong may iba't ibang uri ng sakit, at nagpalayas ng maraming demonyo. Hindi niya pinahintulutang magsalita ang mga demonyo, sapagkat alam ng mga ito kung sino siya.
Kinabukasan, madaling araw pa'y bumangon na si Jesus at lumabas na ng bahay. Nagtungo siya sa isang di-mataong lugar, at doon ay nanalangin. Hinanap siya ni Simon at ng mga kasamahan nito. Nang siya'y natagpuan nila, sinabi nilang, “Hinahanap ka ng lahat.” Sumagot si Jesus, “Pumunta tayo sa mga kalapit-bayan upang makapangaral din ako roon. Ito ang dahilan ng aking pagparito.” Kaya nilakbay ni Jesus ang buong Galilea, na nangangaral sa mga sinagoga at nagpapalayas ng mga demonyo.
Reflection by Joey Binay: Sales-Industrial Essential Oil/Fragrances. Head-Communications Ministry.
Member: North & Central Sector of MM-Familia