LUNES, HULYO 29, 2024
Lunes sa Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon
Paggunita kina Santa Marta, Santa Maria at San Lazaro
MABUTING BALITA: JUAN 11: 19 - 27
Maraming Judio ang pumunta kina Marta at Maria para aliwin sila dahil sa kanilang kapatid. Nang marinig ni Marta na paparating si Jesus, sinalubong niya ito, habang si Maria naman ay naiwan sa bahay. Sinabi ni Marta kay Jesus, “Panginoon, kung narito ka lang, hindi po sana namatay ang aking kapatid. Ngunit ngayon, alam kong anumang hilingin mo sa Diyos ay ibibigay niya sa iyo.” Sinabi ni Jesus sa kanya, “Mabubuhay muli ang iyong kapatid.” Sumagot si Marta, “Alam kong mabubuhay siyang muli sa Pagkabuhay, sa huling araw.” Sinabi ni Jesus sa kanya, “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang mga sumasampalataya sa akin ay mabubuhay kahit na siya ay mamatay, at sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay kailanman. Naniniwala ka ba rito?” Sinabi niya kay Jesus, “Opo, Panginoon, naniniwala ako na ikaw ang Cristo, ang Anak ng Diyos, na siyang dumarating sa sanlibutan.
Reflection by Mayette Salvedia: Missionary-Co-founder of Sambahayan ng Diyos Community. Intercessor. Spiritual Formator. Covenanted Member-Ang Ligaya ng Panginoon
#POHopegiver #LandasngPagasa #catholic #scriptures #bibleeadings #Jesus #CatholicChurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel