Listen

Description

MIYERKULES, ENERO 22, 2025
Miyerkules ng Ikalawang Linggo sa Karaniwang Panahon
Paggunita kay San Vicente, diyakono at martir

MABUTING BALITA: MARCOS 3 : 1 - 6


Minsang pumasok si Jesus sa sinagoga, naratnan niya roon ang isang lalaking paralisado ang isang kamay. Ilan sa mga naroon ang naghahanap ng maipaparatang laban kay Jesus. Nagbantay silang mabuti at tiningnan kung kanyang pagagalingin ang lalaki sa araw ng Sabbath. Tinawag ni Jesus ang lalaking paralisado ang kamay, “Halika rito sa gitna.” Tinanong ni Jesus ang mga naroroon, “Alin ba ang ipinahihintulot kung araw ng Sabbath: ang gumawa ng mabuti, o ang gumawa ng masama; ang magligtas ng buhay, o ang pumatay?” Hindi makasagot ang mga naroon. Galit na tumingin sa kanila si Jesus at nalulungkot dahil sa katigasan ng kanilang puso. Sinabi niya sa lalaki, “Iunat mo ang iyong kamay.” Iniunat naman ng lalaki ang kanyang kamay, at ito'y gumaling. Lumabas ang mga Fariseo at agad nakipagsabwatan sa mga tagasunod ni Herodes kung paano papatayin si Jesus.

Reflection by Jay Guiyab: BSCE graduate. Customer Service representative. Familia Member. Mission Head for
Singles-Baguio. Familia Young Adults Coordinator.