HUWEBES, MARSO 13, 2025
Huwebes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay
MABUTING BALITA: MATEO 7: 7 - 12
“Hingin ninyo at ibibigay sa inyo. Hanapin ninyo at matatagpuan ninyo. Tumuktok kayo at kayo'y pagbubuksan. Sapagkat ang bawat humihingi ay makatatanggap; at ang bawat humahanap ay makatatagpo; at pagbubuksan ang bawat tumutuktok. Sino ba sa inyo ang magbibigay ng bato kapag ang kanyang anak ay humihingi ng tinapay? May magbibigay ba sa inyo ng ahas sa kanyang anak kapag humihingi siya sa inyo ng isda? Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng magagandang regalo sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit na magbibigay ng mabubuting bagay sa mga humihingi sa kanya!
“Kaya't anumang nais ninyong gawin sa inyo ng iba, gayundin ang gawin ninyo sa kanila, sapagkat ito ang buod ng Kautusan at ng mga propeta.Reflection by Jay Guiyab: BSCE graduate. Customer Service representative. Familia Member. Mission Head forSingles-Baguio. Familia Young Adults Coordinator.#POHopegiver #LandasngPagasa #catholic #scriptures #bibleeadings #Jesus #CatholicChurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel