HUWEBES, NOBYEMBRE 16, 2023
Huwebes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon
Paggunita kay Santa Margaret ng Scotland
Paggunita kay Santa Gertrudes, dalaga
[MABUTING BALITA]: LUCAS 17: 20 - 25
Noong panahong iyon, si Hesus ay tinanong ng mga Pariseo kung kailan itatatag ang kaharian ng Diyos. Sumagot siya, “Ang pagsisimula ng paghahari ng Diyos ay walang makikitang palatandaan. At wala ring magsasabing nagsisimula na roon o rini. Sapagkat ang totoo’y nagsimula nang maghari ang Diyos sa puso ng mga nananalig sa kanya.”
At sinabi niya sa mga alagad, “Darating ang panahong hahangarin ninyong makita ang isa sa mga araw ng Anak ng Tao, ngunit hindi ninyo makikita iyon. At may magsasabi sa inyo, ‘Naroon siya!’ o, ‘Narini siya!’ Huwag kayong pumunta upang siya’y hanapin. Sapagkat pagsapit ng takdang araw, ang Anak ng Tao’y darating na parang kidlat. Ngunit kailangan munang magbata siya ng maraming hirap, at itakwil ng mga tao sa ngayon.”
Video by Eric Rivas : Director of Services for a multinational company. Pastoral Leader and District Coordinator - Ang Ligaya ng Panginoon.
#POHopegiver#LandasngPagasa